Ang KISAPMATA ay isa sa mga obra maestra ni Mike de Leon, hango mula sa tunay na buhay ng isang tila perpektong pamilya at mga magulang na walang ibang hangad kundi ang mapabuti ang kalagayan ng unica hija nito.
PLOT SUMMARY by wikipilipinas:
Si Dadong Carandang (Silayan), isang retiradong opisyal na pulis, ay napakahigpit sa kanyang anak na si Mila (Santos), na hindi siya pinapayagan ng kanyang ama na tumanggap ng mga sinumang manliligaw. Bagama't nagalit sa pahayag ni Mila ng kanyang pagbubuntis, pinayagan ni Dadong na magpakasal siya kay Noel Manalansan (Ilagan). Nakiusap si Dadong kina Mila at Noel na magpalipas ang bagong mag-asawa sa bahay ng mga Carandang, sa dahilang maysakit si Aling Dely (Solis), ina ni Mila. May pagkakataon na ginabi nang uwi si Noel, kaya't pinagsarhan ito ng pinto ni Dadong. Galit siyang tumungo kinabukasan sa bahay ng mga Carandang subali't sa takot din kay Dadong ay umalis na lamang siya na hindi kasama si Mila, na napilitang pumirmi. Sinubukan ni Noel na tumawag kay Mila nguni't ang kanyang mga pagsusumikap ay binigo ng kanyang biyenan. Nagbalak si Mila na tumakas subali't pinigilan siya ng kanyang ina. Sinumbat ni Mila na siya ay inuulit-ulit na ginagahasa ng kanyang ama. Sa huli, nilinglang ni Mila si Dadong at nagtagumpay sa pagtakas.
Nagwala si Dadong sa bahay ng mga Manalansan dahil sa pagaakala na itinago ng mga ito ang anak na si Mila. Umuwi siyang nagpupuyos sa galit dahil nagtanan ang mag-asawa. Nagbanta siya na papatayin niya ang kanyang asawa na si Dely kung hindi niya ibabalik si Mila. Takot na takot na nakiusap si Dely sa ama ni Noel na kausapin si Noel na bumalik sa kanilang tahanan. Dahil sa humihingi ng paumanhin si Dadong (na tila may paglilinglang) ay napapayag ang ama ni Noel na pabalikin ang bagong kasal sa Maynila. Nang bumalik sina Mila at Noel sa bahay ng mga Manalansan, pinilit muli ni Dadong na umuwi na sa kanila ang mag-asawa, nagsasabing ang kanyang ina ay muling nagkasakit. Umuwi si Mila kasama si Noel, nguni't upang mag-impaki lamang ng kanyang mga gamit. Nakiusap si Dadong sa kanyang anak na manatiling tumahan, subali't nagpasiya na siya na iiwan na niya ang tahanan. Nagdili-dili, na may malamig na kawalaan ng pag-asa, nilabas ang baril at pinatay niya ang kanyang asawa, si Noel, si Mila at ang huli, ang kanyang sarili.
ANG PAGSUSURI:
Kung mayroong isang bagay na kamangha-mangha sa paggawa ng pelikulang ito ay ang paglalagay sa big screen ng isang istoryang hango sa isang tunay na pangyayari sa Zapote Street. Sa tunay na pangyayari, kitang-kita ang ugali ng ama sa pamilya at kung paanong kinakatakutan ito ng lahat ng miembro; ito nama'y nailapat nila ng mabuti sa pelikula kung saan makikita ang otoridad ni Dadong sa pamilya Carandang. Masusing naipakita rito ang takot na nasa puso ng mag-ina sa ama. Kahanga-hanga ang mga artistang gumanap sa "Kisapmata", dahil makikita na tila totoo ang kanilang mga pag-arte na tipong madadala ka sa mga pangyayari at ikaw mismo ay matatakot para sa mga karakter nito.
Bilang manonood ng pelikulang ito, parang dinadala kami sa mundo sa Zapote Street o sa mundo ng Kisapmata, kung saan ang puso naming manonood ay may kaba na nananatili at takot sa ama ni Mila na si Dadong. Tila naiiwan ang aming mga puso pagkatapos mapanood ito at magkahalong lungkot at takot ang nadama sa huling gabi o sa pagpatay sa buong sangbahayan ng Carandang.
Kung sa istorya at sa magagaling na mga tagapagganap, ay wala akong anumang masasabi. Tangi kong alam ay magaling sila. Pero maari kung ipapakita ang pelikulang ipinalabas noong dekada 80 ngayong panahon ay masasabing out of tune na ito dahil, di gaanong smooth ang mga teknikal nito. Pero anu't ano pa man, ang "Kisapmata" ay isang bagay na nararapat ipagmalaki ng mga Pilipino. Puno ng simboliko ang palabas na kaylangan ng masusing panonood at pagkilatis.
Bawat karakter ay may BUBOG (Shattered glass-these are physical, mental and emotional wounds that never heal, these are wounds that will remain, wounds forever, and as you age it will become deeper and stronger and it becomes a part of your identity; as a person, like a scar in the cheek or a birthmark in the ear, it is a dialogue between what the environment has implanted deep within you and what you want to reveal about yourself to others) sa pelikula, malinaw na naipakita ang kanilang mga bubog na hindi mawawala sa kahit anong pelikula mapalokal o internasyonal.
I commend the director and the story because of making your heart pump up to the last moment of the Carandang Family.
-KRT
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteCongratulation to Ms. Karen Toledana! for her FILM BLOG =)
ReplyDelete-Mahusay ang napili mong Istorya
-Tungkol sa pamilya alam mo naman tayong mga FILIPINO ay family oriented.
-Pinahanga mo ako sa mga salitang ginamit mo, na di madalas gamitan sa panahon nating ngayon.
-Kapansin pansin sa aking pagbabasa na minadali mo ang summary. Medyo bitin kung baga.
-Mahusay kang mag-suri. Maganda na nilagyan mo ng larawan nabuhay ang Istorya. Marahil marami po ang di pa nakapanood ng Istorya na ito, isa na ko ron. At para sa mga nakapanood naman muli nilang maalala na ah.. " napanood ko na yan"
-Nagustuhan ko ang ginamit mong salitang "BUBOG" sadyang ang mga Pelikulang Filipino n hango sa tutoong buhay ay nag iiwan marka o pilat sa puso ng manonood...
-Mahusay ang Design na napili mo.. para sa makalumang pelikula.
-para po sa akin malungkot ang font color na ginamit mo sa itaas.
-in overall - Mahusay po kyo..
thank you po!!!!
ReplyDeleteGanda talaga nito Nay. I'm happy na pinapanood sa atin ito ni Sir. Talagang napakita ng film na ito na may talent ang mga Pilipino.
ReplyDeletesalamat nak!
ReplyDelete