PLOT by reelworld:
In the slums of Tondo, Asiong Salonga is feared and respected by people. He is a notorious leader of a gang that vows to take care of all the people specially the poor under his claimed territory which is Tondo. But unfortunately, There are also other gangs who wants to claim Tondo for their own, specially the gang of Totoy Golem - the rival of Asiong Salonga.
CRITICISM:
Story- Ipinakita lamang ang tunay na mukha ng pagiging isang mahirap na Pilipino, ipinakita nito ang realidad na buhay sa kalsada ng Tondo. Ako man ay minsang nanirahan doon kaya alam ko na may totoong mga ganitong pangyayari. Gusto ko ang istorya nito at kahanga-hanga dahil maganda at tama ang pagkakalapat ng istorya mas makatotohanan kaysa ibang mga pelikula.
Cinematography- Ang pagkuha sa pelikula ay masasabing gaya ng isang independent film, dahil ginawa itong kakaiba kaysa natural na pagkuha ng camera. Di naman ito babad sa mga shots at maganda naman ang ilan sa mga angulo nito.
Acting- Sa pag-arte ng mga artista, ay di masyado magaling, tila nagbabasa ang mga ito sa pagsambit ng mga linya lalo na si Carla Abellana. Bagaman may dating sa mga action scenes ang mga artista dito lalo ang bida nito di parin gaanong kapanipaniwala ang kabuoan ng kanilang mga pag-arte.
Sounds- Dahil sa sound effects nito o paglapat ng mga musika, naipakita ang scenery ng makalumang panahon na spat lamang upang magbigay buhay sa buong pelikula.
Sa huli, hindi man ako tagahanga ng action films, nagustohan ko ang istorya nito.
No comments:
Post a Comment